Tuloy-tuloy pa rin ang Pasko

(Words and music: Diane de Mesa

Arrangement: Elmer Blancaflor)

 

Lumalamig ang simoy ng hangin

Hindi mo ba napapansin

Kahit na anong gawin

Ang tala ay magniningning

 

Isantabi bigat sa damdamin

Pagmamahal ang syang ibalin 

Ito ang diwa ng Pasko, diwa ng pasko 

Ang magbigayan tayo

 

Payapa'ng kalooban 

Disyembre ay magdadaan

Anong hirap man ang masaksihan

Kapit lang ang sanlibutan

Problema may hangganan

Tuloy-tuloy pa rin

Tuloy-tuloy pa rin ang Pasko

 

Hindi mo man alintana

Bawat ngiti ay kay ligaya

Higit sa kung anong regalo

Ang magkasama tayo

 

Mapapawi lungkot na nadarama

Pagkat ikaw ay nandito na

Punung-puno nang pag-asa, puno ng pag-asa

Pagka't si Kristo ay nasilang na 

 

Payapa'ng kalooban 

Disyembre ay magdadaan

Anong hirap man ang masaksihan

Kapit lang ang sanlibutan

Problema may hangganan

Tuloy-tuloy pa rin

Tuloy-tuloy pa rin ang Pasko

Tuloy-tuloy pa rin ang Pasko...

© 2021 Diane de Mesa Music. All rights reserved