Sa hele ni Nanay

(Words and music: Diane de Mesa

Arrangement: Greg Felix)

 

Dito sa piling ni Nanay

Hindi ka na mangangamba

Hindi ka na iiyak

Pagka’t minamahal kita

 

Dito sa piling ni Nanay

Ay aalagaan ka

Laking pasasalamat sa Puong Maykapal

Ika’y biyayang binigay

 

CHORUS: 

Sa hele ni Nanay

Iingatan ka

Habang buhay ay gagabay sa’yo, oh

Sa piling ni Nanay

Magmamahal sa’yo, oh

Anak, ikaw ang aking mundo

 

Dito sa piling ni Nanay

Ay uunawain ka

Wala ibang dadamay sa iyong problema

Katulad ng isang ina

 

Dito sa piling ni Nanay

Ay may karamay ka

Sa ‘yong paglaki ay aalagaan kita

Hanggang sa iyong pagtanda

 

CHORUS: 

Sa hele ni Nanay

Iingatan ka

Habang buhay ay gagabay sa’yo, oh

Sa piling ni Nanay

Magmamahal sa’yo, oh

Anak, ikaw ang aking mundo 

 

BRIDGE:

Tahan na aking anak

Huwag ka nang malulumbay

pagkat Andito lang ako para sa'yo, oh

Asahan mo habang ako ay nabubuhay

Sa'yo ay hindi mawawalay

 

CHORUS: 

Sa hele ni Nanay

Iingatan ka

Habang buhay ay gagabay sa’yo, oh

Sa piling ni Nanay

Magmamahal sa’yo, oh

Anak, ikaw ang aking mundo

 

Anak, ikaw ang aking mundo...

Anak, ikaw ang aking.... mundo