© 2019 Diane de Mesa Music. All rights reserved

Sa t'wing naaalala ka

(Words and music: Diane de Mesa/Arrangement: Greg Felix)

 

Sa tuwing naaalala ka, puso ko'y sumisigla

Paano'ng aking gagawin, ako nga ba'y nahulog na

Sa umaga, hapon at gabi, sa isip ko'y ikaw pa rin

Di mo ba naririnig, tibok ng puso sana ay dinggin

 

CHORUS:

Bakit di pakinggan, ang hangin na nagdaan

Kahit huni ng ibon nagsasabi na ikaw lamang

Aaminin sayo ang laman ng puso

Sana'y kapag sinabi ko, di ka magbabago, oohh

 

Di mo ba nadarama, lagkit sa 'king mga mata

Kapag nasisilayan ka, ngiti ko ay abot tenga

Sa paggising at pagtulog ko, kahit sa panaginip ay narito

Kahit sandali basta't kasama ka, ako'y kontento na

 

CHORUS 2:

Bakit di mo pansin, ang lihim kong pagtingin

Kapag ika'y malapit na, nais ko’y mayakap ka

Sasabihin sa'yo ang damdamin ito

Na matagal nang sa puso ko ay nakatago, oohh

 

BRIDGE:

Sasabihin kong mahal kita

Sa puso ko'y nag-iisa....

 

CHORUS 2:

Bakit di mo pansin, lihim kong pagtingin

Kapag ika'y malapit na, nais ko'y mayakap ka

Sasabihin sa'yo ang damdaming ito

Na matagal nang sa puso ko ay nakatago

(Bakit di mo pansin) lihim kong pagtingin

Kapag ika'y malapit na, nais kong mayakap ka

Aaminin sa'yo laman ng puso

Na matagal nang sa puso ko ay nakatago, oohh..

 

Na matagal nang sa puso ko ay nakatago, oohh.