© 2020 Diane de Mesa Music. All rights reserved

Miss na miss kita

(Words and music: Diane de Mesa

Arrangement: Sushi)

 

Nais ko lamang magtanong sa'yo

Kahit minsan ba'y pumapasok ako sa isip mo?

Ilang buwan na rin ng tayo'y magkalayo 

Aaminin mo bang nami-miss mo rin ako?

 

Tuwing napapadaan sa ating mga napuntahan

Mga lugar at awitin, mga ala-alang sa 'tin dati nakalaan

Ang lahat ng yan naririto pa rin sa isip ko 

Kasama ng pag-ibig hindi sana nagbago

 

CHORUS:

Bakit naaalala pa ang hindi dapat

Magmula ng masilayan kang muli

Bumabalik pa rin sa akin ang kahapon

At miss na miss kita

Hindi ko ikakaila

Maaari nga sigurong mahal pa rin kita

 

Oohh...

Ano kaya 'yong nadama ng makita ako

Hindi man sinasadya lumigaya ba’ng puso mo

Kapag nag-iisa, may oras bang hanap ako?

Kahit ba sandali nais kausapin ako? 

 

Aking narinig ika'y masaya sa piling nya

Wala akong hiling na sana'y magbalik ka pa

Ating nakaraan pilit buburahin sa isip ko 

Kasama ng pangako bigla na lamang naglaho  

 

CHORUS:

Bakit naaalala pa ang hindi dapat

Simula ng masilayan kang muli

Bumabalik pa rin sa akin ang kahapon

At miss na miss kita

Hindi ko ikakaila

Maari nga sigurong mahal pa rin kita

 

Miss na miss kita 

Hindi ko ikakaila 

Maaari nga sigurong mahal  pa rin kita