top of page

Kahit Ilang Pasko

Diane de Mesa 

(Words and music: Diane de Mesa

Arrangement: Jayson Dolotina)

Bakit nag-iisa 

Ako ay nilisan na

Simoy ng hangin ay kay lamig 

Ngunit walang mayakap ng kay higpit 

Ngayong disyembre pa ay parating 

 

Refrain: 

Bakit ka lumayo 

Bakit pa ngayong Pasko

 

Chorus:

Nandito lang ako, naghihintay sa’yo

Bakit ngayong pasko 

Kahit abutin man ng ilang pasko 

Panghahawakan ang pangako mo 

 

Di ba’t sinabi mo 

Ikaw ay magbabalik 

Regalong pinadala hindi kayang pawiin ang hapdi 

at ang lungkot  

Hanggang kelan mawawalay sa'yo

 

Refrain: 

Bakit ka umalis

Bakit pa ngayong Pasko

 

Chorus:

Nandito lang ako, naghihintay sa’yo

Bakit ngayong pasko 

Kahit abutin man ng ilang pasko 

Panghahawakan ang pangako mo 

 

Bridge:

Ayokong maging hadlang

Sa mga pangarap mo

Basta’t tanging dalangin ko

Ako pa rin iibigin mo 

Maghihintay sa’yo, oohh ohhh  

 

(Instrumental Break)

 

Nandito lang ako, naghihintay sa’yo

Bakit ngayong pasko 

Kahit abutin man ng ilang pasko 

Panghahawakan ang pangako mo 

 

Kahit ilang pasko

Oohh 

bottom of page