Ito ang tama

(Words and music: Diane de Mesa

Arrangement: Elmer Blancaflor

Guitar: Christopher Buenviaje)

 

Ilang beses ko nang gustong tawagan ka

Ilang gabing hindi makatulog

Sa kakaisip sa’yo, sinta

Ilang beses ko nang gustong balewalain

Mga sinabi kong

Tapusin na natin

 

Refrain:

Dahil hindi ko kaya

Ang iwasan ka

Para akong mababaliw

Pag wala ka sa 'king piling

Ngunit sa isang iglap

Nangunguna sa aking isip

 

Chorus:

Ito ang tama

Iwanan na kita

Ito ang dapat

Kasi may mahal ka na

Hindi na pwede

Pagka't mali ito

Kahit na nagdurugo ang puso ko

Kahit na umiiyak ang puso ko

Ito ang dapat kong gawin

Ang kalimutan ka

Kahit nahihirapan na

Ilang beses ko nang gustong lumapit sa’yo

Pero pinipigilan ko

Ayaw kong makasakit

 

Refrain:

Oh, kahit hindi ko kaya

Ang iwasan ka

Para akong mababaliw

Pag wala ka sa king piling

Ngunit kailangan kong gawin

Gumugulo sa aking isip

 

Chorus:

Ito ang tama

Iwanan na kita

Ito ang dapat

Kasi may mahal ka na

Hindi na pwede

Pagka't mali ito

Kahit na nagdurugo ang puso ko

Kahit na umiiyak ang puso ko

 

Bridge:

Kung sakaling wala kang marinig sa akin

Nais kong malaman mo

Ika’y minamahal pa rin

Ibubulong na lang sa hangin

 

Chorus:

Ito ang tama

Iwanan na kita

Ito ang dapat

Kasi may mahal ka na

Hindi na pwede

Pagka't mali ito

Kahit na nagdurugo ang puso ko

Kahit na umiiyak ang puso ko (2x)