© 2019 Diane de Mesa Music. All rights reserved

Hindi ka na mag-iisa

(Words and music: Diane de Mesa/Arrangement: Gabor Szijarto)

 

Kay lakas ng alon sa dagat

Kagaya ng pag-ibig ko sayo

Kahit saan tayo dalhin ng buhay

Kahit saang agos ay kasama mo ako 

 

Chorus:

Hawakan mo ang aking kamay

Lakas man ng hangin tayo saan man itatangay

Di ka na mag-iisa, di kita pababayaan

Pangako dito lang ako sa tabi mo

Hindi kita iiwan, oohh 

 

Kung minsan ay kay hirap tanggapin

Mga problema ating kakayanin

Kung tayo'y magkasama di tayo bibigay

Parang pader, lindol man di tayo magigiba 

(Repeat Chorus)

 

Bridge:

Bagyo, unos man ang dumaan

Habang tayo'y magkapiling, wala lang yan

Ikaw at ako dito sa mundo

Kumapit ka lang, kapit sa akin

Ako'ng bahala sa'yo, bahala sa'yo

(Repeat Chorus 2x)

 

Hindi kita, hindi kita iiwan

Hindi kita...

Hindi ka na mag-iisa

Hindi ka na mag-iisa 

'Di ka na mag-iisa