Tanggap ko na

(Words and music: Diane de Mesa

Arrangement: Elmer Blancaflor)

Ayoko nang lumuha

Sa tuwing gabi ay nagdadaan

Kapag tahimik na ang lahat

Ikaw pa rin ang inaasam

 

Refrain:

Pag-ibig mong lumipas

Panahong nalimot na

Kailan masasabi sa puso ko, ohh

Hanggang dito na lamang tayo 

 

Chorus: 

Tanggap ko na, wala ka na

Di na mababalik

Ang dati nating pagsinta

Malabo na, wag nang pagpilitan pa 

Ang hindi ka na hanapin pa

Pagka't tanggap ko na 

 

Ayoko nang magdamdam

Pagka't ako'y iniwan na

Nasa'n na ang bawat sandali 

Pinangako mong mananatili

 

Refrain:

Pag-ibig mong lumipas

Panahong nalimot na

Kailan maaamin sa puso ko, ohh

Hanggang dito na lamang tayo  

 

Chorus: 

Tanggap ko na, wala ka na

Di na mababalik

Ang dati nating pagsinta

Malabo na, wag nang pagpilitan pa 

Ang hindi ka na hanapin pa

 

Pagka't tanggap ko na 

 

Bridge:

Suko na ang damdamin ko

Lahat ay inalay na sa'yo, ohh

Gusto ko lamang katahimikan ng isip

Bitawan ka at palayain

 

Chorus: 

Tanggap ko na, wala ka na

Di na mababalik 

Ang dati nating pagsinta

Malabo na, wag nang pagpilitan pa 

Ang hindi ka na hanapin pa

Pagka't tanggap ko na... 

Hindi maibabalik 

Ang dati nating pagsinta

Malabo na, wag nang pagpilitan pa 

Ang hindi ka na hanapin pa

Pagka't tanggap ko na

 

Oohh...

Tanggap ko na