Sino ba s'ya?

(Words and music: Diane de Mesa

Arrangement: Elmer Blancaflor

Guitar: Greg Felix

Bass: Jason Marrero)

Akin nang nadarama

Nagbabago ka, sinta

Bakit di na gaya ng dati

Ramdam ko ang bawat halik

 

Sana ay sabihin na

Kung meron ka nang iba

Huwag mo na akong pahirapan pa

Naghihintay sa'yo

Sino ba sya, mahal mo ba

Sya bang kapalit ko sa puso mo

Paano ako hanggang ngayon

Ako’y nagmamahal sa’yo

Kung limot mo na mga sumpaan natin

Nung tayo’y masaya

Dapat na nga ay limutin na kita

Sino ba sya

 

Tanggaping wala ka na

Kay hirap damhin, sinta

Hanap hanap ko ang pag-ibig mo

At iyong paglalambing

Sana ay sabihin na

Kung meron ka nang iba

Huwag mo na akong pahirapan pa

Naghihintay sa'yo

Sino ba sya, mahal mo ba

Sya bang kapalit ko sa puso mo

Paano ako hanggang ngayon

Ako’y nagmamahal sa’yo

Kung limot mo na mga sumpaan natin

Nung tayo’y masaya

Dapat na nga ay limutin na kita

Sino ba sya