Sa pagsapit ng Pasko

(Words and music: Diane de Mesa

Arrangement: Greg Felix)

 

Darating na naman ang pasko

Magkalayo pa rin tayo

Sikapin ko mang maging masaya

Hinahanap pa rin ang kislap ng iyong mata 

 

Kahit san man ako tumingin

Sa paligid nagniningning 

Palamuti ay hindi ko pansin

Pagka't ikaw lang ang aking hiling 

 

Sa pagsapit ng Pasko

Sana’y magkapiling muli tayo 

Sa pagsapit ng Pasko 

Ikaw lang ang dalangin ng puso ko 

 

Narito na naman ang Pasko

Nagbibigayan ng mga regalo 

At ang bawat isa ay masaya 

Pinipilit pa ring ibalik ang sigla 

 

Ngunit san man ako tumingin

Sa paligid nagniningning 

Palamuti ay hindi ko pansin

Pagkat ikaw lang ang aking hiling 

 

(Instrumental break) 

Sa pagsapit ng Pasko

Sana’y magkapiling muli tayo 

Sa pagsapit ng Pasko 

Ikaw lang ang pangarap ng puso ko (2x)