Sana ako na lang

(Words and music: Diane de Mesa

Arrangement: Elmer Blancaflor

Guitar: Greg Felix

Bass: Jason Marrero)

Mga nanunuksong tingin

Nagpapakilig sa akin

Di ko naman ito pinlano

Bigla na lang naramdaman ito

Di ka na maalis-alis sa isip ko 

 

Di na ko mapakali

Ganun ka kaya sa kin?

Kailan lamang nagkakilala

Ngunit parang ang lapit-lapit ko na

Sa puso mo na libre pa ba ang pagsinta 

 

CHORUS: 

Sana ako na lang 

Sana ako na lang

Ang syang laman ng puso mo

Tanong ko lang, mahal mo ba ako

Ako na lang

Sana ako na lang 

Ano pa'ng iyong hinihintay

Kung ganun ka rin 

Sana tayo na lang 

 

Ba't kasi pagkalambing

Na tila ba'y may pagtingin

Dama mo ba ang ihip ng hangin

Nawa dasal ko ay iyong dinggin

Ikaw na ba ang hulog sa 'kin ng langit

 

Kaya ngayo’y nahulog na 

Di mawala sa gunita

Ngayon walang kalaban-laban 

Buhay sa’yo ko ay ilalaan

Ikaw na ba bigay sa 'kin ng Maykapal 

 

CHORUS: 

Sana ako na lang 

Sana ako na lang

Ang syang laman ng puso mo

Tanong ko lang, mahal mo ba ako

Ako na lang

Sana ako na lang 

Ano pa'ng iyong hinihintay

Kung ganun ka rin 

Sana tayo na lang 

 

(Instrumental break)

Ohh...

 

Sana ako na lang 

Sana ako na lang

Ang syang laman ng puso mo

Tanong ko lang, mahal mo ba ako

Ako na lang

Sana ako na lang 

Ano pa'ng iyong hinihintay

Kung ganun ka rin 

Sana tayo na lang 

 

Kung ganun ka rin 

Sana'y tayo na lang