• Alex Datu

Thank you Mr. Alex Datu for "Pilipino Mirror" article feature!


WOW! I am featured in a Philippine newspaper, "Pilipino Mirror" at "Star Mirror" column of Alex Datu!!! Maraming salamat, Kuya for featuring me! 😃 I wish I can get a copy of this newspaper! 😃---- Read the article here (Published August 8, 2016):

DIANE DE MESA, MEGA-HATAW ANG SINGING CAREER SA IBANG BANSA Ang mga Pinoy talaga, pagdating sa musika saan man parte sila ng mundo, humahataw talaga. Tulad lang ni Diane de Mesa, isang Filipina-American based singer/songwriter na talagang gumagawa ng pangalan sa pamamagitan ng kanyang talento sa pagkanta sa USA. Isang Registered Nurse by profession pero dahil hilig talaga nito ang pagkanta, kaya hanggang ngayon ay ginagawa na niya nitong on the side job ang pagiging independent music artist. No doubt, very talented talaga si Diane dahil maliban sa nagko-compose ng mga awitin ay isa rin siyang poet. And speaking of songwriter, komposisyon niya lahat ng mga awiting napapaloob sa kanyang tatlong self-produced albums maliban sa 'Hearstrings' (2013) na puro cover, namely ‘Fly Away’ noong 2011, at ang latest nito, ‘Only For You’ ngayong 2016 na nabibili ang physical CD nito sa iTunes, CDBaby, Amazon at iba pang online retail stores at ang physical CD nito ay mabibili sa kanyang official website (http://www.dianedemesamusic.com). Puwedeng mapanood ang kanyang cover at original songs sa YouTube (http://www.youtube.com/msdianeg). Puwede nang i-download ang kanyang album sa iTunes, CDBaby, Amazon at iba pang online retail stores. Noong 1998 sa gulang na 15 nang lumipat sina Diane at pamilya nito sa America particularly sa Northern California Bay Area mula sa Olongapo City. Aniya, aktibo siya sa pagkanta mula noong nasa elementarya pa siya at miyembro siya ng church choir. Nasanay siya sa pagkanta sa pamamagitan ng karaoke. Nire-record nito ang kanyang mga kanta hanggang ina-upload na niya ito sa YouTube simula noong 2009 at ayon sa kanya, ito ang kanyang training ground sa pagkanta. Kaya naman, it's not surprising kung nanalo siya sa Acoustic Karaoke Contest sa California noong 2010 at sa Star Central Magazine's 'Female Artist of the year 2015’, isang magazine poll based in Australia. Aniya, monthly siyang may gigs kasama ang kanyang banda at madalas syang may guesting sa mga special events duon sa Bay Area, California. Speaking of album, 'Only For You' ang kanyang pinakabago at regular na naririnig ang kanyang carrier single na 'Miss Na Miss Kita' sa radio show ni Andy Verde, ang Short Time Sa DZRH heard on worldwide broadcast on AM radio, DZRH 666Khz and can be watched on livestreaming www.dzrhnewstelevision.tv. Napatugtog na rin ito sa Star FM at Energy FM. Aniya, "I like this song 'Miss Na Miss Kita' kasi maraming naka-karelate. In fact, the Facebook video of this song has already reached 1 million views. Personally, I can relate to all the songs in my album since I wrote all of them based from personal experiences, or inspired by love stories of friends, songs or movies. Malaking influence sa akin ang mga songs nina Mariah Carey, Backstreet Boys, and for locals, Regine Velasquez, Gary Valenciano, Kyla, and Nina." Be updated sa musika nDiane de Mesane, i-Like lamang ang kanyang Facebook fan page: http://www.facebook.com/dianedemesamusic. Bisitahin din ang kanyang website, http://www.dianedemesamusic.com .

#pilipinomirror #starmirror #newspaperfeature #philippinenewspaper #alexdatu #dianedemesa

18 views

© 2020 Diane de Mesa Music. All rights reserved