Palalayain S'ya

(Words and music: Diane de Mesa

Arrangement: Elmer Blancaflor

Guitar: Greg Felix

Bass: Jason Marrero)

Hawak nya ang iyong kamay

Habang ako'y naghihintay

Kaya pala dahil sayo’y wala pa sya

 

Refrain:

Hindi man naghinala

Buong buo ang tiwala

Dahil sa'yo, nilimot nyang ako’ng kanyang mahal

 

Chorus 1:

Ngayong alam ko na

Paano kayo nagsasaya

Gayong alam mong may minamahal na sya

Ngayon alam mo na

Itutuloy mo pa ba

Ngayong alam mong meron na syang sinisinta

Aagawin sya

Paano ka matatahimik

Pag alam mong may nasasaktan ka na

 

II

Sa bawat halik

Dama mo ba ang tamis

Sa bawat pagdampi ng kanyang labi

 

Refrain:

Nangako ba sya

Na ikaw lang ang mamahalin

Na ilang beses nyang sinabi sa akin

 

Chorus 2:

Ngayong alam ko na

Paano kayo nagsasaya

Gayong alam mong may minamahal na sya

Ngayong alam mo na

Itutuloy mo pa ba

Ngayong alam mong meron na syang sinisinta

Palalayain sya

Di na kayo mahihirapan pa

Kayo sana ay maging masaya

 

Bridge:

Hindi ko na hahabulin pa

Kung ano ang dapat na para sa akin

Hahayaan kung ito’y tadhana na dumating

Awat na ang damdamin

 

(break)

 

Ngayong alam mo na

Itutuloy mo pa ba

Alam mong meron na syang sinisinta

Palalayain sya

Di na kayo mahihirapan pa

Kayo sana ay maging masaya