top of page

Ngayong Magpapasko

(Words and music: Diane de Mesa

Arrangement: Elmer Blancaflor)

Maraming nais sabihin

Ngayong darating na Pasko

Mas lalong nais unawain

Kung bakit nagkalayo tayo

 

Chorus 1: 

Magpapasko na, at hindi ko kayang mag-isa

Bakit kung kelan magpapasko ako’y iniwan mo

Ngayong magpapasko, walang ibang hiling at dalangin ko

Muling magbalik ang pag-ibig mo, ohh

Nandito lang ako, ohh

Naghihintay sa’yo

 

Pipilitin kong di na magdamdam 

Nagpatawad, kahit di mo man hingin

Handa ko nang limutin

Ang sakit na naidulot sa akin 

 

Chorus 2:

Magpapasko na, at dapat tayo ay magsaya

Bakit ngayon pa magpapasko ako’y nilisan mo

Ngayong magpapasko, walang ibang hiling at dalangin ko 

Magbalik na’ng dating tayo, oh

Nandito lang ako, oh 

Naghihintay sa’yo

 

Bridge: 

Giliw, ayoko nang ganito

Dati rati sa lamig ng gabi ay magkayap tayo

Kahit wala namang regalo 

Maligaya sa piling mo

 

(Instrumental break)

 

Magpapasko na, at hindi ko kayang mag-isa

Bakit kung kailan magpapasko 

ako’y iniwan mo

Ngayong magpapasko, ang tangi kong hiling at dalangin ko

muling magbalik ang pag-ibig mo, ohh

Nandito lang ako 

Naghihintay sa’yo

bottom of page