Napapagod din ang puso

(Words and music: Diane de Mesa/Arrangement: Sushi)

 

Lumipas na ang mga araw na 

Ako'y nag-aabang sa may bintana

Natapos na ang mga panahon 

Na hinihintay kita 

 

(CHORUS) 

Tila napapagod din pala ang puso 

Sadyang kay tagal rin kitang minahal

Huminto, umikot ang aking mundo sayo

Ibinuhos ang pag-ibig ko

Ngunit hanggang ngayo'y nagtatanong ang puso ko, ohhh

(Nagtatanong ang puso ko...)

Ako ba'y mahal mo rin 

 

Minsan sinabi mo na ako'y mahal ko rin

Ngunit tunay ba ang 'yong damdamin

Sa iyong mga mata 

Makikita ko ba

Ang tamis at ningning ng pagsinta

 

(Repeat Chorus) 

 

Bridge: 

Mahal kailangan ko ang pag-ibig mo

Na iyong nadarama ng walang pagdududa

Ako sana'y maghihintay

Patuloy na aasa

Ngunit puso ba'y may hinihintay 

 

(Repeat Chorus 2x)