© 2019 Diane de Mesa Music. All rights reserved

May mahal ka nang iba

(Words and music: Diane de Mesa/Arrangement: Greg Felix)

 

Kay tagal na ng panahon

Ikaw pala ang taong 'yun

Nagbibigay ng ligaya sa buhay ko

Kaibigan ko, kailan ba yung sinabi mo ang pagibig mo

Ngunit sinabi ko, kaibigan lang ang turing ko sa'yo

Ba't kung kelan pa naramdaman ang tibok sa puso ko

 

Chorus:

May mahal ka nang iba

May mahal ka nang iba

Ikaw pala, ikaw lang pala ang hinahanap ko

May mahal ka ng iba

May mahal ka ng iba

Sayang lang panahong pinalipas ko

Dahil ngayo'y may nagmamahal nang iba....sa’yo

 

Kung maibabalik ko ang himig

Na dati rati ay 'yong naririnig

Awit na nagpapa-alala sa ating nakaraan

Kailangan ko, nais kong marinig sa tinig mo ang damdamin mo Dagli nga bang nagbago ang minsan ay tumibok sa puso mo Ba't kung kelan pa naramdaman ang pag-ibig kong ito

(Repeat Chorus)

 

Bridge:

Ohh hindi ko man lang nasabi sayo

Na takot ang nararamdaman ko

Noong sinabi mo

Ang akala ko'y hindi magbabago, pag-ibig mo

Laging ika'y nariyan

Ngunit nang mawala saka hinanap-hanap ka

Oohhh ohhh... 

(Repeat Chorus 2x)