© 2019 Diane de Mesa Music. All rights reserved

Ikaw pa rin (feat. Sushi)

(Words and music: Diane de Mesa/Arrangement: Sushi)

 

M: Hinahanap ka ng puso
‘Sang saglit nang ikaw ay mawala
Di ako mapakali
Hirap nang makasanayan
Sa pagbungad ng umaga ay walang dampi ng yong halik

 

F: Oh bakit ba nagbabalik ka

Sa isip ko, sa puso ko Hindi ka nawawala
Tamis ng yong halik, higpit ng yong yakap
Kailan ba masasanay na wala ka?

 

Chorus

(BOTH)
Paano kung bigyan muli ng pagkakataon

Buhayin ang ating nakaraan

Mga sandaling ating pinabayaan
Pag-ibig na di pa rin nakakalimutan
M: At hindi pa rin kita mawaglit sa puso ko

F: At hindi pa rin kita maalis sa isip ko
Ikaw pa rin

 

M: Di maitanggi sa sarili
Hanggang ngayon ay mahal pa rin kita
Di mo ba nadarama
Di ko yata makakaya
Habang buhay ang isipin na may mahal ka nang iba

 

F: Oh kailan man ay nandirito ka,

Sa isip ko, sa puso ko

Hindi ka nawawala
Tamis ng iyong halik, higpit ng iyong yakap
Kahit kailan ay di matatanggap na wala ka

 

Chorus

BOTH:
Paano kung bigyan muli ng pagkakataon

Buhayin ang ating nakaraan

Mga sandaling ating pinabayaan
Pag-ibig na di pa rin nakakalimutan
M: At hindi pa rin kita mawaglit sa puso ko

F: At hindi pa rin kita maalis sa isip ko
Ikaw pa rin

 

Bridge

F: Kung ikaw ay magbabalik di ako magdadalawang-isip
M: Pag-ibig hanggang ngayon ikaw lamang at wala nang iba

 

Chorus

BOTH:
Paano kung bigyan muli ng pagkakataon Buhayin ang ating nakaraan Mga sandaling ating pinabayaan
Pag-ibig na di pa rin nakakalimutan
M: At hindi pa rin kita mawaglit sa puso ko

F: At hindi pa rin kita maalis sa isip ko
Ikaw pa rin