"Asia's Princess of Love Songs"
Hanggang dito na lang
(Words & Music: Diane de Mesa
Arrangement: Jayson Dolotina)
Di ko alam
Didiretso ba ako
Babalik o liliko
Kung nasaan ka ay nanduon rin ako
Pilitin man hintayin ka hanggang wakas
Panghawakan pangakong binitawan
Katulad ng ating sumpaan
Di na iibig kanino man
Chorus:
Ngunit paano kung iniwan mo akong nag-iisa
Paano kung bumitaw ka na
Tatanggapin ko na lamang ba
Hanggang dito na lang tayo, sinta
Ninanais kong maging masaya
Sinusubukan unawain ka
Dahil ang puso natin ay iisa
Wala ng ibang pipiliin pa
Pilitin man hintayin ka hanggang wakas
Panghawakan pangakong binitawan
Katulad ng ating sumpaan
Di na iibig kanino man
Chorus:
Ngunit paano kung iniwan mo akong nag-iisa
Paano kung bumitaw ka na
Tatanggapin ko na lamang ba
Hanggang dito na lang tayo, sinta
Bridge:
Hindi mo na ba ako minamahal
Dahil meron na bang iba
Hindi mo man sabihin ay damang-dama
Hanggang dito na lang tayo, sinta
Ngunit paano kung iniwan mo akong nag-iisa
Paano kung bumitaw ka na
Ngunit paano kung iniwan mo akong nag-iisa
Paano kung bumitaw ka na
Tatanggapin ko na lamang ba
Hanggang dito na lang tayo, sinta