Hahayaan ko na lang                                     (Words and music: Diane de Mesa

Arrangement: Greg Felix)

 

Sinabi sa sarili

Hindi pa ‘ko handa

Magmula ng magmahal

Lagi na lang nasasaktan

Sinabi sa sarili

Di na muling iibig pa

Hindi na baleng mag-isa

Kahit wala akong kasama

Refrain:

Ngunit nang makilala ka

Huminto aking mundo

Sa isang sulyap pa lang

Tinamaan aking puso

 

Chorus:

Hahayaan ko na lang

Mapalapit sa’yo

Ano man ang iwas ko

Pilit bumabalik sa’yo

Hahayaan ko na lang

Ang puso’y susundin

Kaya bahala na

Kung muli akong umibig

Sinabi sa sarili

Di na ako maghihintay

Kung sakaling darating

Panalangin ko’y dinggin

Laking pasasalamat ko

At kung adya ng Maykapal

Na ibigay ka sa akin

At ika’y makakapiling

Refrain:

Dahil nang makilala ka

Huminto aking mundo

Sa isang sulyap pa lang

Tinamaan aking puso

 

Chorus:

Hahayaan ko na lang

Mapalapit sa’yo

Ano man ang iwas ko

Pilit bumabalik sa’yo

Hahayaan ko na lang

Ang puso’y susundin

Kaya bahala na

Kung muli akong umibig

 

(break)

Chorus:

Hahayaan ko na lang

Mapalapit sa’yo

Ano man ang iwas ko

Bumabalik sa’yo

Hahayaan ko na lang

Ang puso’y susundin

Bahala na

Kung muli akong umibig

Hahayaan ko na lang

Mapalapit sa’yo

Ano man ang iwas ko

Bumabalik sa’yo

Hahayaan ko na lang

Ang puso’y susundin

Kaya bahala na

Kung muli akong umibig

Hahayaan ko na lang, oohh...

Hahayaan ko na lang