Di sinasadya (feat. Danalin Salvador)

(Words and music: Diane de Mesa

Arrangement: Mozart Aiban)

 

Diane:

Panay ang nakaw n'yang tingin
Di ko alam ang gagawin
Kaibigan ko, wala na kong magagawa

Paano sasabihin na ako'y nahuhulog na

Sa iyong minamahal 

Damdamin di na mapigilan 

Danna:

Hindi ko kailanman naisip
Na mangyayari ito
Ikaw pa na kaibigan ko
Kailan lamang nalaman ito
Di na maikukubli, ilihim man ay lilitaw pa rin

Sa’yo na, nabaling ang pagtingin 

CHORUS: 

Di ko sinasadya na ako ang kanyang piliin 

Wala nang magagawa, ako'y nasaktan na 

Patawarin mo kasalanan ay umibig 

Umibig sa minamahal ko 

Ngunit di pa naman kayo 

Ngunit ikaw ay kaibigan ko, nagtiwala ng husto

Di ko sinasadya (Di mo sinasadya, oohh)
Hindi sinasadya

 

Diane:

Hawak nya ang iyong kamay
Mga mata'y sa akin nakatingin
Ang puso ko, di mapigilan ang tibok

Paano iiwasan sya, kahit nahuhulog na

Sa iyong minamahal
Sya rin ay naguguluhan 

Danna:

Sa ‘yo nasabi ang damdamin

Pinagkatiwalaan ko
Tayong tatlong magkakaibigan 

Paano na ang gagawin
Ngayon nag-iisa, habang kayo ay magkasama

Kayo na, kayo na ang nagsasaya 

CHORUS: 

Di ko sinasadya na ako ang kanyang piliin 

Wala nang magagawa, ako'y nasaktan na 

Patawarin mo kasalanan ay umibig 

Umibig sa minamahal ko 

Ngunit di pa naman kayo 

Ngunit ikaw ay kaibigan ko, nagtiwala ng husto

Di ko sinasadya (Di mo sinasadya, oohh)
Hindi mo/ko sinasadya

BRIDGE: 

Balang araw siguro maghihilom rin ang sugat

Pusong umasa na di na masasaktan

Makakahanap ka rin ng iba na para sa iyo

Mapatawad mo pa rin pagdating ng panahon 

CHORUS:  

Di ko sinasadya na ako ang kanyang piliin 

Wala nang magagawa, ako'y nasaktan na 

Patawarin mo kasalanan ay umibig 

Umibig sa minamahal ko 

Ngunit di pa naman kayo 

Ngunit ikaw ay kaibigan ko, nagtiwala ng husto

Di ko sinasadya (Di mo sinasadya, oohh)

Ooohhh..Hindi mo/ko sinasadya