Di na kita minamahal

(Words and music: Diane de Mesa

Arrangement: Elmer Blancaflor

Guitar: Christopher Buenviaje)

Giliw, wag kang magdaramdam

Kung nais ko nang ipaalam

Ang nilalaman ng aking damdamin

Nagpupumilit nang aking sabihin

 

Refrain:

Wala na ang ningning sa iyong mga mata

Tamis ng iyong halik di na nadarama

Paano ko ba sasabihin sayo, sinta

Na ang puso ko’y nabihag nya

 

Chorus:

Di na kita minamahal

Di ko hangad na ikaw ay saktan

Nahihirapan rin ang puso ko

Di madaling sabihin sa'yo

May iba na kong mahal

Kung sakali mang masabi ko sa'yo

Matatanggap mo ba'ng laman ng puso ko

Kung magalit ka'y aking tatanggapin

Di ko sadya saktan ang iyong damdamin

 

Refrain:

Wala na ang init sa iyong mga halik

Kapag ika'y kasama ko s'ya ang yaring nasa isip

Paano ko ba sasabihin sa'yo, sinta

Puso ko’y nahulog sa kanya

 

Chorus:

Di na kita minamahal

Di ko hangad na ikaw ay saktan

Nahihirapan rin ang puso ko

Di madaling sabihin sa'yo

May iba na kong mahal    

 

Bridge:

Kung pwede lang

Diktahan ang puso't isipan

At ikaw na lang ^ang-syang iibigin

Ngunit di mapigilan

Sa iba naramdaman

Ang tibok na dapat ay sa'yo

 

Chorus:

Di na kita minamahal

Di ko hangad na ikaw ay saktan

Nahihirapan rin ang puso ko

Di madali sabihin sayo--(overlap)

Di na kita minamahal

Di ko hangad na ikaw ay saktan

Nahihirapan na ang puso ko

Di madali sabihin sayo.....

 

May iba na 'kong mahal