Di bale na lang

(Words and music: Diane de Mesa/Arrangement: Greg Felix)

 

Nasayang lang ang oras ko

Mga panahon na naigugol sayo, ohh

Ang hindi mo pagdating sa mga usapan natin

Lagi akong nasa tabi

Kaibigan lang ako para sa’yo

 

Chorus:

Di bale na lang, hayaan mo na

Ititigil ko na ang aking pagtingin sayo

Di bale na lang

Sa iba na lang ibabaling ang damdamin ko, ohh

Siguro may ibang magmamahal

Dito na lang ako

Di bale na lang

 

Ilang beses na nangarap ako

Na tayong dalawa higit pa sa kaibigan, ohh

Matagal na kitang mahal ngunit di mo pansin

Manhid, walang-wala para sayo

Aalis na lang ako, di mo man mamalayan

(Repeat Chorus)

 

Bridge:

Gusto kong iwan ka na

Lumayo at mapag-isa

Ngunit paano ko gagawin

Kung mahal na mahal kita

(Repeat Chorus)

 

Siguro may ibang magmamahal

Dito na lang ako

Di bale na lang