Balang Araw

Diane de Mesa, feat. Emping 

(Words and music: Diane de Mesa

Arrangement: Elmer Blancaflor)

 

(Emping)

Kay hirap nang iwasan ang iyong mga tingin

Pinipigilan na lamang na damhin ang ‘yong ngiti

Dahil kung hindi, hahayaan na lamang mahulog sa’yo

Paano’ng may mahal nang iba ang puso mo

 

(Diane)

Bakit ngayon ka lang dumating sa buhay ko

Ngayong may minamahal nang iba ang puso ko

Kapag minamasdan kita, nais kong sabihin sa’yo

Sana ay  ikaw na lang ang kapiling ko 

 

Chorus: 

(Emping)

Balang araw, masasabi ko rin ang damdamin ko

(Diane)

Balang araw, maaari na rin ang umibig sa’yo, oh

(Both)

Mahal na mahal kita 

Kahit sa isip nakatala 

Itatago na lamang ang damdamin ko…sinta 

 

(Emping)

Nais kong hawakan ang iyong mga kamay

Ipadamang kahit kailan di ka na malulumbay

Ngunit wari, sa pangarap na lang ipadarama sa'yo

Dahil may mahal nang iba ang puso mo

 

(Diane)

Nasaan ka ba noon, sana’y nakilala ka na

At sa'yo ko naialay ang wagas na pagsinta

Hindi mo man alam, nais kong ipahatid sa’yo

Sana ay ikaw na lang ang kayakap ko

Chorus: 

(Emping)

Balang araw, masasabi ko rin ang damdamin ko

(Diane)

Balang araw, maaari na rin ang umibig sa’yo, oh

(Both)

Mahal na mahal kita 

Kahit sa isip nakatala 

Itatago na lamang ang damdamin ko---

(Emping)

Balang araw, masasabi ko rin ang damdamin ko

(Diane)

Balang araw, maaari na rin ang umibig sa’yo, oh 

(Both)

Mahal na mahal kita 

Kahit sa isip nakatala 

Itatago na lamang ang damdamin ko…sinta 

© 2021 Diane de Mesa Music. All rights reserved