Bakit pinagtagpo

(Words and music: Diane de Mesa

Arrangement: Elmer Blancaflor

Guitar: Greg Felix

Bass: Jason Marrero

Drums: Audy Felix)

Hanggang tingin na lamang

Baka sakaling iyo ring masulyapan, oh

Kay lapit mo na ngunit kay layo mo pa rin

Di nag-aabot ang distansya natin

 

Refrain:

Halos hawak ko na ang iyong kamay

Yakap mo na kay higpit

Pilitin ko man, ayoko nang magising

Kung sa panaginip lang kitang makakapiling

 

Chorus:

Isinisigaw ka ng damdamin

Ikaw ang aking mahal

Ngunit salungat ang ating mundo

Paano tayo, bakit pinagtagpo oh

Kung di na maaaring magmahal

Ating mga puso, ohh

 

Palaisipan na lamang

Paano kung ating ipaglaban, oh

Kung ito’y nadarama mo rin

Bahala na kung may masasaktan

 

Refrain:

Malaya kitang nahahagkan

Dama ang init at tamis sa piling mo

Pilitin ko man, ayoko nang magising

Sa pangarap lang kitang makakapiling

 

Chorus:

Isinisigaw ka ng damdamin

Ikaw ang aking mahal

Ngunit taliwas ang ating mundo

Paano tayo, bakit pinagtagpo, ohhh

 

(Instrumental break)

 

Ohh

Isinisigaw ka ng damdamin

Ikaw ang aking mahal, oh

Ngunit taliwas ang ating mundo

Paano tayo, bakit pinagtagpo, ohhh

Hindi na maaaring magmahal

Ating mga puso, ohh