© 2019 Diane de Mesa Music. All rights reserved

Babalik ka pa ba

(Words and music: Diane de Mesa/Arrangement: Butch Monserrat)

 

Lilisan ka at iiwan na akong nag-iisa

Di ba, sinabi mong sa hirap at ginhawa

Tayo'y magsasama

Ngunit ilang oras na lang

Naryan na'ng eroplano mong sasakyan

 

Chorus:

Aalis ka na

Iiwan na ang puso kong nag-iisa

Maaari bang tuloy akong umasa

Sa pangakong binitawan na

Ako pa rin ang iyong iibigin

Ngunit paano na?

Patuloy na lang maghihintay

Babalik ka pa ba?

 

Iniisip pa kung paano mabubuhay ng wala ka

Masaya, maaabot mo na'ng mga pangarap

Kahit sa malayo pa

Ilang taon ang tatahakin

Nang mayakap kang muli ng mahigpit

(Repeat Chorus)

 

Bridge:

Hindi ako hahadlang

Sa pagtupad ng iyong pangarap

Ang hinihiling ko lang ay

Wag mong lilimutin, pagmamahal natin

Tanging yaman ko

(Repeat Chorus) 

 

Babalik ka pa ba