top of page

Ako Muli

Diane de Mesa feat. Kravh

(Words and music: Diane de Mesa

Rap: Kravh Garcia

Arrangement: Jayson Dolotina)

Ahh ahh

 

Nakakapagod na 

Ayoko nang may maramdaman

Sa t'wing kasama mo sya

 

Nakaka-manhid na 

Abot na sa sukdulan

Kailan ba malilimutan

 

CHORUS: 

Kung mapipilit ko ang damdamin

Matagal ko nang nabura

Ang pag-ibig na ako lang pala ang syang nakadama 

Kung kakayanin ko lang gawin

Sa isang iglap ay binago ko na

Para akong muli ang iyong 

Ako muli ang iyong ibigin

 

KRAVH: 

Ako muli, ayoko ng magkamali

Mahal kita, nguni't mahal mo na'y iba

May kulang ba? Nakita mo ba sa kanya? 

Pikit mata, alam ko na mahal mo siya

 

Mali-bang umasa muli'y na maging tayo? 

Uulit uliting muli, irerewind ko

Ipapaalala sayo nang marealize mo

Ikaw ang popoy ko at ako ang basha mo

 

CHORUS: 

Kung mapipilit ko ang damdamin

Matagal ko nang nabura

Ang pag-ibig na ako lang pala ang syang nakadama 

Kung kakayanin ko lang gawin

Sa isang iglap ay binago ko na

Para akong muli ang iyong 

Ako muli ang iyong ibigin, ahh ahh

 

KRAVH: 

Batid ng puso ko na meron ka na ngang iba

Anong magagawa kundi ang palayain ka

Ngiti mo'y langit, siyang tunay na ka akit-akit

Ngunit bakit, pilit mo sa akin yan pinagkait

At kay pait, lahat ng ating (ala-ala)

Nung tayo  pang /dalawa ay laging( magkasama)

(pero sana), sa susunod  na kabanata

Ako'y magiging masaya sa piling ng iba

 

Nakakapagod na…oohh..ahhh

Nakakapagod na...

KRAVH: 

Muling ibigin, sana ako'y muling ibigin

Kung tinadhana, ako'y muling mamahalin

Sana'y dinggin, tatanggapin,ibubulong sa hangin

Na darating din ang para sakin

bottom of page