Akala ko                                                 (Words and music: Diane de Mesa

Arrangement: Greg Felix, Keyboard: Daniel Shemer, Bass: Jayson Altuna)

 

Bago pa lang akong natututong lumimot

Gumigising sa umaga na wala ka sa ala-ala

Sa bawat plano kong natutupad kahit wala ka

Ako ay masaya, pagka't ako’y okay na

Refrain:

Hindi ka na sumasagi sa aking isipan

Tuwing naaaninag dati nating mga tagpuan

Kapag naririnig mga awit

Pangalan mo'y di na nasasambit

CHORUS 1:

Hanggang sa makita kita

Gumulong muli aking mundo

Akala ko'y okay na, akala’y di na mangangamba

Hanggang sa makita kita

Aaminin ko na

Akala koy limot ko na

Hindi pa rin pala

Nagsimula na naman makita ka sa panaginip

Tunog ng boses mo aking naririnig

Nagbabalik kung paano kita pinangarap

At iyong tinupad ngunit binawi ring lahat

Refrain:

Luha’y dumadaloy muli

Na dati natahan na

Muling nabuhay ang pagsinta

Akala ko’y naglaho na

CHORUS 2: Hanggang sa makita kita

Gumulong muli aking mundo

Akala ko'y okay na

Sa puso ko’y wala ka na

Hanggang sa makita kita

Aaminin ko na

Akala koy limot ko na

Hindi pa rin pala

(Instrumental break) 

Chorus 1&2:

Oohh...

Hanggang sa makita kita

Gumulong muli aking mundo

Akala ko'y okay na

Akala’y di na mangangamba

Hanggang sa makita kita

Aaminin ko na

Akala koy limot ko na

Hindi pa rin pala

Hanggang sa makita kita

Gumulong muli aking mundo

Akala ko'y okay na

Sa puso ko’y wala ka na

Hanggang sa makita kita

Aaminin ko na

Akala koy limot ko na (limot ko na)

Hindi pa rin pala

Ohh, Akala koy limot ko na

Hindi pa rin pala